Pamaskong Mensahe Mula sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon

December 24, 2017

 

Mabunying pagbati ngayong Kapaskuhan sa mga mag-aaral, guro, at lahat ng mamamayang kaagapay ng Kagawaran.

Sa ating pagbabalik-tanaw sa nakaraang taon ay magpasalamat tayo sa mga biyayang ating natanggap, at isabuhay ang mga mahahalagang aral na ating natutunan bilang pagpupugay sa kaarawan ng ating dakilang Tagapagligtas.

Sa kabila ng mga pagsubok na ating hinarap at patuloy na haharapin, nawa’y mamayani ang pagmamahalan, pagbibigayan, at pagpapatawaran sa bawat isa. Patuloy nating kalingain ang mga nangangailangan sapagka’t ang bawat isa ay may responsibilidad at pananagutan sa kanyang kapwa.

Makaaasa kayo na ang Kagawaran ng Edukasyon ay patuloy na maglilingkod at tutupad sa pananagutan nito na maghatid ng edukasyon na dekalidad, abot-kamay, napapanahon at mapagpalaya para sa lahat.

Maligayang Pasko at manigong bagong taon!

END

This is officially published on deped.gov.ph.

Author: Carl John Carolino

Public school teacher. Blogger. Bibliophile. Millennial.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *